Thursday, June 25, 2009

Problem with my current maid

Hindi pa nga nakakabalik ang ate for work, may panibagong problem na naman ako sa bago kong maid na kakapasok lang nung linggo. Mukha hindi sila magkasundo ng mother-in-law ko. Kahit yung dati naming all around help na pansamantalang nag aalaga kay JM e hindi gusto ang ugali nya. Sumasakit na tuloy ang ulo ko. Hindi rin daw sya magandang manamit sabi ng karamihan at mahilig daw magdabog pag pinagsasabihan.

Hindi ko pa sya nakakausap kaya ayaw ko pang mag comment. Pero bukas ng umaga plano ko na syang kausapin. Hay sana naman makinig sya ng ayos pag pinagsabihan ko

No comments: